About the song
Yung kanta ko, kung papansinin nyo, mga gawain ng II-1. Actually, hindi lang naman II-1. So, hindi ako inloooove. *BARF* Joke. Anyway, eto na.
First stanza:
Obvious naman diba. Sumasaya kapag nakakasama mo yung taong gusto mong makasama. Minsan mo lang makasama, nagtatatalon na yung puso sa tuwa. Naghihintay kung kelan mauulit yung MOMENT. Yung "Biglang nagbago'ng.." wala lang yun. Haha.
Chorus:
Yung chorus, connected dun sa "Biglang nagbago'ng..". Yung kasing "lumayo" na nabanggit dun, parang nalayo yung damdamin niya. Hindi yung literal na lumayo. Gets? Haha. Kasi baka malabuan kayo. Nasa tabi mo tapos hinihintay yung pagbalik. So yun.
Second stanza:
Super daming guamagawa nito. Pinipilit tignan sa malayo yung taong gustong makita. Tapos, eto.. maraming nakakarelate. Pero wala pa naman akong naririnig na ganito sa II-1. Haha. Yung malaman laman mo, may boyfriend or girlfriend na pala yung mahal mo. :D Dun sa "O, bakit ba.." wala lang din yun. Haha.
***
Kasi, ang talagang dapat na gagawin ko, kanta na pang magkaibigan lang. Eh sabi ni Isang, j5 daw. Naisip ko din.. j5 nga. So, eto na yung story.
May dalawang magkaibigan. Yung isa, may gusto dun sa isa. Yung tao naman, hindi niya alam na may gusto sa kanya yung friend niya. Parang hindi niya napapansin kasi may gusto syang iba. [Aaaaww.. Wawa..] So parang nalayo yung loob nung taong gusto niya kasi nakafocus yung mundo niya dun sa gusto niyang iba. Gets? Kung hindi, wag mo na igets. Haha.
Yung lang. Bye!
Friday, December 08, 2006
Pagbalik Mo
Parang isang panaginip
Kahapon lamang ika'y aking nakasama
Sa araw ko ika'y nagbibigay saya
Kailan kaya, mauulit pa ba?
Biglang nagbago'ng takbo ng panahon
Ika'y nagbago at biglang lumayo
CHORUS:
Narito ako sa tabi mo
Umaasang mapapansin mo
Narito ako sa tabi mo
Naghihintay sa pagbalik mo
Tinatanaw sa malayo
Ang tanging gusto ay ika'y mamasdan
Akala ko ay akin ka na
'Yun pala, meron ka nang iba
O, bakit ba nagkaganito?
Tanging hanap ay ang pagmamahal mo
[CHORUS]
[INSTRUMENTAL :P]
O, bakit ba nagkaganito?
Tanging hanap ay ang pagmamahal mo
[CHORUS]
****
yan. ang kantang ito ay para sa........ hmmm... mga taong nakakarelate. sa mga taong nagagandahan kung meron man. pwede na rin.. para sa mga may ayaw. :) pasensya na. ngayong friday ko lang yang ginawa. bahala na kayo maghusga. :)